Monday, September 13, 2010

Malisya

Kala ko okay na.

Okay na kami.

Back to normal. Yung biruan. Harutan. Wala na rin tampuhan. O silipan. Kung sabagay ako lang naman ang ganun kaya mas tama na sabihin kong hindi na ko exaggerated.

At ease na ko ulet sa kanya. Basta. Masaya na. Everyone noticed na we are good now. Somehow i learned to let go the feelings that made our friendship awkward.

Pero sya, hindi pa pala.

I never thought na pagiisipan pa nya ko nang ganun. e di kung hindi ka comportable sa ganun, e di sana nung umpisa pa lang sinabi mo na ayaw mo ng ganun. bakit pinatagal mo pa. Sinanay mo ko sa ganun sitwasyon.

Kala ko ba, hindi ka magiisip ng ganun? eh anu yung sinabi mo? Was it just a joke? Kung oo, bakit hindi mo sinabi? Pero obviously, hindi yun biro. Remember your statements at FB?

My only intention is to pissed you. Never it was to take advantage of you. Was me being gay made you realized that i can? Sana naisip mo man lang yung sitwasyon.

You are bigger than me. Braso mo palang at kamo hindi na ko mabubuhay kung sakali pagbuntungan mo ko ng sama ng loob.

You are stronger than me. Yung pat mo nga lang sampal na saken.

And most of all, bakit gagawin ko yung isang bagay na makakasira sa friendship natin? At malamang, dahil likas na ang chismis ay kumakalat, e di lalo lang ako nasira sa paningin ng mga tao.

Sirang sira na ko dahil sa pagkakagusto ko sayo, dadagdagan ko pa ba ang problema ko?

It’s hard to say na I THOUGHT YOU WERE DIFFERENT, BUT I GUESS IM FUCKING WRONG! KATULAD KA RIN PALA NG IBA NA MAPANGHUSGA LALO NA SA MGA KATULAD KO. Na kahit anung gawin namen, dun at dun rin lang kami pupunta, sa MAKAMUNDONG PAGNANASA.

Mali. Dahil akala ko kilala kita. Tanggap ko na ang pagiging NAIVE, INCONSIDERATE, INSENSITIVE at pagiging JERK mo. Lalo na saken. SINO BA NAMAN AKO DIBA?

Pero yung aspeto na ito ang hindi ko kinaya. Sobrang tanga ko na kung sakaling gustuhin ko pang ipagpatuloy yung CLOSENESS na gusto ko lalo’t na madungis naman pala ang tingin mo sa akin...

It would have been better kung NAGSORRY ka man lang. Pero never kong nafeel na you have the intention to do so. Ni yung aminin mo nga lang na may nasabi kang offensive eh parang wala.

I can’t to stop myself from sharpening my tongue, dahil gusto ko sanang marealize mo kung anu ba ang mali. Pero i guess, MASYADO KANG BATO. MASAMA ANG UGALI SABI MO NGA...

IKAW YAN. At hindi pwedeng baguhin. And PEOPLE around you should accept the way you are...

KAHIT NAKAKASAKIT ka na ng DAMDAMIN ng mga NAKAPALIGID SAYO...

Then it made me realized, bakit dahil lang sa sinabi mo, magself-pity ako ng ganun? i know myself better than anyone else. At alam kong hindi ko gagawin yon...

If you think, and if people does think isa kong LOWER LIFE FORM dahil sa BADING AKO.

Think again.

Hindi ba mas mababa yung mga taong pinagiisipan yung kanilang kapwa?

Sunday, September 5, 2010

Untitled....

YOU


are


my


BIGGEST


and


my



MOST



FAVORITE




MISTAKE....

Thursday, August 12, 2010

BIG S....

Funny thing is, parang hanggang ngayon hindi mo pa rin alam why i did those things.
It was for your attention. Na somehow you’ll get to see the things you’re doing that hurt me.
Pero the more na ginagawa ko yun, the more na lumalayo ka.
I felt, you forgot to somehow appreciate me for being there because of them.
Yeah right, its the FEELING [the I LIKE U THING]!
And the more i ask for a little consideration, the more na nakikita kita with them.
It’s like, you are being biased. Inconsiderate.

But i was too. It took me a while to realized that.

Things were messed up. Naiisip ko lagi, if i started to disregard you, i will be able to forget you and pretend that you don’t exist. Pero yun nga, the more that i try, the more it hurts.
I thought by saying harsh words will make things easier.
Pero yun, mabigat pala sa loob, because i am destroying a friendship.

Ganun pala yun, hirap talaga pag una, trial and error.
And malamang, hindi mo nakikita yung struggle ko because you are too focused to yourself.

Then after the last battle, someone made me realized na mali ako, [hard core. Fine!]
That i was reacting too much. Too much in a sense that i was demanding too much.
That it could have been better if i discussed it with you.
But how, kung ayaw mo ng ganun?
Ang hirap pag dedma yung kabilang side tapos yung kabila naman sensitive.
Parang humihingi ka ng candy pero pilit ibinibigay sayo ay asin.

Was i just paranoid? Or you are really giving me the reason to push myself away?

Then came the text na hindi ka na galit sakin [WTF! At ikaw pa ang galit saken? Da hell]
But then, if i will not reconcile and eat my pride, lalo nang walang mangyayari.
Afterall, im older, a bit mature [at times], and started the commotion...
To tell you frankly, i wasn’t at ease. Nakakapaso.
Siguro kasi, its not the right time.

But things went well.

Except that, i still believe i deserve a BIG S....
Don’t you think?
For all that had happen.
It will mean a lot...
___________________________________

What if sabihin kong, im not yet over you?
E di nawindang ka na naman noh?
Sabihin nalang nating wala na dun sa punto na gaya ng dati.
I am able now to joke things with you about stuff na medyo awkward dati.
I am more comfortable now of the touch, green jokes, and stuff.
Simply put, wala nang malisya or what, i hope you feel the same.
I saw the traits the turned me off [naks] and realized you are better off as a friend [yabang].
That exerting much effort would be such a waste.

You are not worth it on that aspect and that i am too immature for such...

Such things can wait.
_________________________________


Tao lang ako, i will keep on making mistakes. Will tend to do immature things.
And yup, you have to deal with my dramas. Yun ako eh.
The problem is, you are the exact opposite of me.
CLASH!

I guess communication is the key...
I hope from now on we can talk things over.
Kahit pajoke lang, ang importante we know the things na nangyayari.
But i will not dwell on things na wala naman ako Kebs.
Unless, nadradrag ako [syempre!]

________________________________

There are times that you need to speak up.
Just to straight things up.
SILENCE sometimes can be equated to COWARDNESS.


________________________________

Hindi porke lalaki ka, kailangan lagi kang mataas.
Hindi basehan yun ng pagiging lalaki.
Ang pagpapakumbaba ay katumbas ng pagrespeto sa kapwa.


_______________________________

As always,

SALAMAT...

Wednesday, July 28, 2010

Self-ASSessMENt part 1

Minsan gustung-gusto ko nang sabihing “SORRY PO. Pasensya na kayo, ganun lng talaga siguro ako ngayon. Gusto ko lang sabihin yung nasasaloob ko.”

Pero bakit? Bakit kailangan humingi ng paumanhin sa mga bagay na natural na lumalabas sa ating mga bibig? Hindi ko itatanggi ang bawat salita sa aking akda ay may pinanggalingan, lahat may gustong patamaan, may laman. Ang tanong, “NAKALAGAY BA ANG IYONG PANGALAN?” sakaling nakanti nito ang iyong damdamin, hindi ba’t ikaw na rin naman ang may KASALAN? Bakit mo binabasa ang sulat ng iba? Minsan pa nga ay binibisita mo pa ang kani-kanilang kinalalagyan, para ano? Saang punto? Hindi ba’t para magmatyag? Para manilip at makialam? IKAW MISMO ANG GUMAGAWA NG SARILI MONG GULO!

At huwag tayong maghugas ng kamay. Huwag tayong magpanggap na ni minsan ay hindi mo ginagawa ang nagagawa ko. Huwag tayong ipokrito. Konti kahihiyan naman para sa sarili mo.

Nasasaktan ka? Bakit sa tingin mo hindi ka nakakasakit? Tangna! PANGINOON KA?

Huwag tayong umasta na wala tayong nasasaktan sa ating mga ginagawa. Eh paano yung mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sa atin? Hindi bat ang alam nila ay mas malamang galing din sa atin? At ang reaksyon nila ay dahil din sa atin? Suma tutal, tayo pa rin ang punot dulo nito. Kung anuman ang kahinatnan nito, sa atin parin ang bunton ng sisi nito.

Nanahimik ako. Nanahimik ka. Nanahimik sila. Sa paanong estado? Sa paanong paraan? Sa pagsusulat lang ba ng artikulo sa isang pahina? E paano yung mga reaksyon natin at ng mga taong nakapalig sa atin? Paano naman ang mga kuwentong ginagawa natin para makakuha ng simpatya ng iba? Ang mga tsismis at paguusap na ginagawa natin? Ang walang kamali-malisyang reaksyon sa mga bagay bagay?

At, paano ka magkakaron ng katahimikan kung palagi nating iisipin na tayo ang paksa ng iba?

Kasalan ko parin ba kung hindi matamik ang imahinasyon mo? Hindi kaya naman may sira na ang tuktok mo?

At, huwag nating ibintang sa iba ang mga ginagawa natin sa kanila. Magkakaiba tayo. Maaring tsismoso at mapaggawa ako ng kwento at ikaw naman ay mabait, maunawin at mahaba ang pasensya. At sila, wala lang, mahilig lang talaga makisawsaw sa akung anu bang uso at napapanahon. May perpekto at mayroon din naming puro kamalian lang ang nagagawa GAYA KO!

Bakit hindi muna tayo tumingin sa salamin, alalahanin ang bawat petsang lumipas at mga kabuktutan nating ginawa. Isama na rin natin ang mga natural nating reaksyon o paguugali at tingin natin kung hindi tayo nakakasakit at nakakaapak ng iba.

At tingnan din natin ang ating sarili kung tayo ba ay Malaya sa sulsol at impluwensya ng iba. Tingnan natin kung hindi ba tayo ay masyado nang eksaherado...

Saturday, July 10, 2010

SEASON 3: TXT BTL

Things got worst! It seems both girlet and boylet hate each other. Not for them to tell each other pa, kita naman sa mga ginagawa nila. Si girlet sige ang posts sa FB at si boylet ultimate dedma lang sa kanya.

-----------------------------------------------------

As usual, affected na naman ang opisina nila. Parang may bombang anytime sasabog sa maling galaw ng kung sino man. Dito na pumasok sa eksena si Bridge.

At sino si Bridge? Ang pinsan kuno ni girlet. Someone na super close si girlet and somehow si boylet din. Para xang older sister ng dalawa. Laging nakatanog kung okay ba sila, kung magkaaway na naman ba, etc... she’s totally concerned sa relationship ni girlet and boylet. And, she’s the first one to be saddened sakaling hindi na naman nagkakasundo ang dalawa.

-----------------------------------------------------

As expected, nakialam na naman si Bridge, may i tanong kay girlet and boylet ano naman ang nangyari. as expected din, girlet explained what happened and, boylet, sa mas malupet na expectation said ewan na naman nya kay girlet.. a very usual situation. An almost replay of every single fight nang dalawa.

And since, talking to bridge when both of them is around is very uncomfortable, sa text dinaan nina girlet and boylet ang pakikipagusap sa una.

And somehow, parang bridge has found a way to tell the two kung anu ba yung mga bagay na hindi nila masabi ng harapan sa isa’t-isa, which she wonders why so well. Magkasama naman sa opisina, alam ang numero ng isa’t-isa, parehong may FB, at lalung-lalo namang magkakilala, bakit ayaw pang magsabihan ng problema. Ang reason? Hindi open si boylet sa ganito. Parang ayaw na ayaw nya nito. In fact, never pa si girlet and boylet nagusap ng seryoso ng face-to-face. It’s like both of them are void to have such.

---------------------------------------------------

4, 5, 6 at pagminsan 7 parts pa ang mga text ni girlet kay bridge. Especially pag may mga tinatanong ang huli patungkol kay boylet na sa hinuha ni girlet has something to do sa mga txt ni boylet kay bridge. And at the same time, nararamdaman naman ni girlet na ang mga text nya ay sinasabi ni bridge kay boylet. At ang mga komento ni bridge or tanong sa kanilang dalawa ay malamang mula rin sa kani-kanila.
Both of them learned a thing or two. Both of them found flaws. And for sure, nakapagbitaw ng mga masasakit na salita sa isa’t-isa. Now wonder if in the face nilang nasabi ang mga bagay na ito. Hindi kaya mas magiging maayos ang sitwasyon? O kaya naman mas lalala ang misunderstanding...

----------------------------------------------------

Days passed. Iwasang walang humpay. Except of course sa usapang trabaho. Both of them are forced to launch a few words for each other pero mararamdaman mo ang tabang. It’s like things are getting heavier. That the storm will be here for a long time.
---------------------------------------------------

There is silence among the two warriors but what’s beneath is a text message battle happening. Of what specific content? Of what grounds? Of what extent? Of what load? Of what bitterness, hatred and pain? HINDI natin ALAM, bakit hindi natin itanong kay BRIDGE? Or better yet, tinangnan ang cellphone nya, dahil sa malamang hindi naman xa magkokwento...

SEASON 3: ECLIPSE

Monday came, hindi feel ni girlet kausapin si boylet dahil masama pa rin ang loob nya infact, nagisnuban lang sila ng magkasalubong papasok ng opisina nila. Ni hindi nga sa linya ng department nila pumila si girlet para sa flag ceremony. Obviously, my silent war na naman, at mas malamang sa hindi, no white flags will be seen soon.

-------------------------------------------

Everyone is busy dahil mag oath taking ang mga bagong halal na pinuno ng bansa, praktis praktisan si boylet at girlet naman ay namomroblema sa costume nya para sa pagaasikaso ng mga bisita.

June 30 came and it was almost a hell day. Nakakapagod at nakakagutom. Pero okay lang dahil part yun ng trabaho. And besides, later that day, mag gagala si girlet with her nuknukans. At this point, okay na sya, may tampo pa rin, pero okay na. Kaya she sent a message to boylet that was later answered by boylet. Well she thought this will fix things, but it turned out to be another misunderstanding...

------------------------------------------

Girlet: i know this is fucking irritating na... lagi nalang etc...
the problem is me. as always sabi mo nga...
at this point, dami ko iniisip... and yayz, i know you have your own to dealt with...

i want to ask for more understanding... patong patong sila... gusto ko na bumigay...

you can ask my tropz if you like too... parang basis ba...

why kaw nalang biktima? hindi ko rin alam, siguro kasi, may hinahap ako sayo na hindi mo kayang ibigay...

my bad... hindi sayu yun...

and pretty much, may kadikit sau yung iba kong problema...

anu nga ba yun... ummm, hindi ako makahugot sau ng lakas...
hindi ka kasi ganun... and i know, parang hindi karin open sa ganun...

btw, hindi ko intensyon na hindi sagutin call mo yesterday... nagkataon nasa CR ako.. eh wala na follow, so i thought may nakuha ka nakeys.... although my pride got in the way kaya hindi na rin ako ng text...

yun...

kung pwede pa, steady ka lang ha...
be persistent.. yun lang kasi yung proof ko na okay tayo...

yun lang... and


SORRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRYY!!!!

mwaahugz and kizzzzez..

Boylet: your sorry is accepted. Pero bakit naman magsosorry pa. Oks lang yun. Hehehehe Anyway, busy lamang ako sa report na ginagawa ko kaya parang meron akong sariling mundo. Hehehehe :)

Girlet: thanks...
sana naiintindihan ng iyong bubot kunong kaisipan ang aking nararamdaman.. i'll tell one hell problem pag ready na ko.. gusto ko kasi sakin galeng...

mahirap pag sa iba, baka sumala sa punto...
saka na pagokay na lahat.

Boylet: hahahaha ayos lang yun nuh. XD

Ay ay si Gail nagchat sakin nagtatanung kung aatend raw tayo dun sa gen assembly ng ensci. Sabi ko baka hindi...

Girlet: nareceive ko nga yung email.. kaya lnag may class tau the whole day, then kung hanggang gabi naman xa, aatend ako ng bday... sayang naman ang outfit kung hindi at lagot din ako kay ma'am pag hindi dahil per person daw ang bayad...

Boylet: Yun na nga. hindi na talaga tayo makakaatend. XD

Girlet: w8t lang.. nabasa ko lang... at may kasama ka napala manood ng ECLIPSE??? kamusta naman yung pagyaya ko sayo?

Boylet: uy tumanggi ako nun, kasi supposedly kasama ko yung mga classmate ko sana manuod (kaso nagpunta kami kay noynoy eh) kaya hindi ako naasama. Tapos umentra kaibigan ko kaya ayun sa kanila na ako sasama.. hahahaha Sa air bender nalang ako sama XD.

Boylet: (parang ang gulo ng sequencing ko, anyway nawa'y makuha mo) XD (parang ang gulo ng sequencing ko, anyway nawa'y makuha mo) XD

Girlet: wala akong naalalang tumanggi ka...
shet.. naasar na naman ako..
fine..
[chill!]
pikit muna, breathe in, breathe out...

Boylet: hahaha adik ka, sabi mo pa nga sakin eh, will watch eclipse after ng program nila mayor, if you like sama ka with tropa???...

Sabi ko: naku hindi ako pwede, kasama ko na yung mga classmates ko. Sa Last Airbender nalang o kaya despicable.

Tapos sabi mo, fine. Ayun....

Setting: Sa Office...

Girlet: i cant remember. any...
this is a better conversation...

Me: u know what, lets not watch any fucking movie together...
yung last airbender? think na hindi kita niyaya and you dont have any schedule to watch that movie yet...

YOU: OK...

Me: done.

Boylet: Adik! Yan ang gawagawa.... Pero kung hindi kami matuloy sa sunday eh tera nuod tayo eclipse.... XD

Girlet: mukha mo. as if... gagawa ka ng paraan para matuloy yun..
do the movie pleasure your way.

Boylet: palabas lang yun eh...

---------------------------------------------------

For girlet, this is a fact na iniwan na xa ni boylet. Parang evidence na boylet’s out of her life. Although na realize naman nya baka nga nagusap sila ng ganun at nakalimutan lang nya. But then again she invited boylet naman, so sana binigyan nya ng priority yung invitation nung hindi sila natuloy...

---------------------------------------------------

And the ultimate proof she got:

Boylet: ang emo emo mo talaga... sige hindi na muna ako mangugulo hehehhee

Boylet: hindi ako wrong send ha. :p

Girlet: so anung ibig mong sabihin don?
never mind... iwanan nalang yan sa hangin,

-----------------------------------------------------------

Was she just taking things so seriously? Or he’s being an ass again? Whatever it is, girlet felt alone, while boylet is super dedma. And all girlet can do is......sob.

-----------------------------------------------------------
(to be continued)

SEASON 3: The secret Life of Girlet’s Bro (interlude kumbaga sa kanta)

BRO is girlet’s first sibling sa hubby ng mudraks nya. She was 13 when they had him and they are pretty much excited. Kahit xa, despite the expectation na hindi. Kung sana naapreciate nila ang effort nyang umuwi from nueva ecija to spend Christmas and new year with her father’s side family. But anyway, Masaya xa dahil kahit papano, maeextend yung family nya. Kung pwede nga lang magkaroon siya ng kapatid without the stepdad why not.

Literally, brow grew up together with girlet. She usually takes care of him whenever she’s around, too make it exciting, ginagawa nyang punching bag si bro. Not to hurt him, but too teach him a lesson or two. In fact, mas takot pa kay girlet si bro kesa sa mga magulang nya. And when they had their youngest, si SISSY, ganun pa rin naman ang ugali ni girlet, but, dahil sa panahon na to may yayaniks na for sissy, hindi na maxado nagampanan ni girlet pagiging disciplinarian nya.

Too make the long story short, literal na mas close si girlet kay bro kesa kay sissy at ganun din naman si bro sa kanya. Everytime nga na umuuwi si girlet, gusto ni bro katabi xa sa pagtulog; na lagi naman kinokontra ni sissy dahil ayaw nang dalawa na kasama xa.

Nafefeel ni girlet ang fear ng mga tao nab aka magaya sa kanya si bro dahil sa closeness nila, but she thinks otherwise. Nasa upbringing yun, and besides, wala naman syang kinokwento o pinapakita kay bro na maaring gayahin nito. At kahit naman lagi silang nagbobond, normal ang kilos ni bro. If there’s one fear na meron, eto yung kay girlet na later on, marerealize ni bro kung anu sya at baka hindi nya kaya itong tanggapin.

Girlet is afraid of the day na tatanungin na sya ni Bro at hindi nya alam kung paano nya sasagutin ito.

And then the day came. The day after ng “SILYA MOMENT” with boylet.

Bro: “girlet, anu ka ba?”

Girlet: “Bro, hindi na tinatanung yun, alam na natin diba?”

Bro: “Okay, hehehe, kasi sila bakit ganun daw yung mga pictures mo sa FB”

Girlet: “naku bro hayaan mo sila, maxado silang panget at latak para maapreciate yung art at kung anu ko”

Bro: “anu naman daw kaya yun? Bahala ka na nga!”

Short but sweet. Magaan sa pakiramdam ni girlet ang usapang yun, dahil despite bro’s young age. Naiintindihan na nya xa at kung anu mang sitwasyon meron sila. Pasan ba’t alam ni Bro ang sitwasyon ni girlet at boylet. How? Pakialamero kaya ang bro, mapa text messages, posts etc sinusuri nya. Very much interested sa pinaggagawa ng kapatid na girlet. She even remember a moment kung saan sabi ni bro na sana malaki na daw sya para maaway nya yung mga taong nagpapasama ng loob ng kapatid, and that includes boylet. Sabi pa ni bro, “kung alam ko lang, nilagyan ko ng pakain sa isda yung pagkain ni boylet nung nagpunta yun dito. (sabay kutos ni girlet, eh anu effect nun? Pareho lang naman edible yun, hahaha)

Girlet believes that her bro will grow up as a very mature and fine man. Kung mapalihis man ito, at pumili ng ibang klaseng relasyon, da hell, as long as mahal sila ng pamilya nila, pakialam nila sa mga manghuhusga...

Friday, July 9, 2010

SEASON 3: After the RESET

After the so-called RESET, girlet and boylet had a harmonious relationship. Kumbaga, back to normal ulit, kulitan dyan, tawanan, suntukan, kurutan and the like. May i text or chat sa FB and ofcourse, sabay kung pumasok at umuwi during classes.

E verything seems to be a breeze. Too good to be true. Kaya, girlet started to feel something isn’t right. Kaya as the day passes, nawawalan xa ng tiwala kay boylet. Habang tumatagal, mas lumalalim ang mga tanong sa kanya at agam-agam na bakit ganito ang sitwasyon? Nasaan na ang mga taong minsan ay pinagawayan nyo? Saan na ba sila sa buhay ni boylet ngayon? At siya, saan na ba siya dapat lumugar ngayon?

Minsan, gusto niyang isipin na nanalo siya. Natalo nya ang balahurang babae na gumagawa ng kwento upang kahit katiting ay pansinin ni boylet. Pero ayaw nya, dahil ang sa kanya, hindi isang premyong dapat pagaway si boylet. Ang tanging nais lang naman nya ay bigyan siya ng panahon ni boylet para mahilom ang mga sugat na dulot ng pakakaibigan nito sa balahurang babae. Isang bagay na kahit anung gawin niya ay hindi maintindihan ni boylet.

------------------------------

Then one day, girlet had a bad news, its a problem na hindi nya ineexpect. Na kahit kailangan ata ay hindi siya magiging ready. Her mom’s career is in trouble. It’s either she will retire early or wait in vain to be transferred to a new agency. And what’s more, even her stepfather has the same situation. IT ROCked her world! All of a sudden, her happy-go-lucky lifestyle will be cut short and the need to support her family is becoming too overwhelming.

Being her character, dinidibdib nya to ng sobra. Then, naungkat na naman ang kinikimkim nyang sama ng loob sa kanya trabaho. That people surrounding her doesn’t appreciate what she’s doing. Na afterall her efforts, para syang basura na itatapon na lang dahil meron bago na somehow more persistent, easy to work with, at better than her in terms of the technicalities of their work. At ang mas masakit dun, si boylet yun...

Bakit nga ba nafefeel na naman nya yun? Simply because, wala kasing binibigyan na trabaho sa kanya. She feels na she’s so incompetent to handle such... she feels useless... she feels stupid.

This is a thing she can’t share with boylet. A thing na hindi kailanman nya balak ishare kay boylet.

----------------------------

So girlet and her family decided to talk things over as soon as possible. She’s set to go home after class. She told boylet about the situation of her family. Well kinda, medyo madalas may memory loss ang hitad. The day started pretty well. May ututan pa nga at harutan eh. Girlet almost forgot about the problems she’s facing. Para kasi sa kanya, ang presence ni boylet especially at times like this will help her somehow cope.

And then the 1pm subject started. It is one hell of a class. Sobrang boring at they both cannot understand well ang dinidiscuss ng prof.. most of time, they talk through writing notes in a piece of paper so as not to sleep during class.. and this time, they decided not to seat at the front where their prof might see they remedial activities for boredomness.

San tau, girlet said, then boylet sat at the second set of chairs were another student is already sitting leaving girlet one plastic crap far from him.

KABLAM! Pumutok ang fuse ni girlet. She felt so alone. She felt na iniwan xa ni boylet. All throughout the class, nagsusulat lang ng comment si girlet sa notebook nya. She seems to be listening pero actually hindi. She wanted to get the hell out of the room. Then boylet texted na iniantok na naman daw xa. FUCK! Tapos ngayon magtetext ka! Gagong to. Damn u! That’s the exact words that girlet uttered in her mind.

------------------------------------------------------

It’s almost 3.30 and the class has ended. Time na para kumopya ng efiles nang lectures, and usually si boylet ang gumagawa nito. Pero this time, girlet stand up and gave her usb disk to the prof. She actually heard boylet saying “ikaw na lang kokopya?” but she didn’t mind.

After a few minutes, he prof is done with the copying so she rushed at his table and took her disk. She want back straight to her chair and get her things and walked out.

She’s so pissed off she’s seem s to be running away from the place. Then her CP rang, she got a message from boylet saying “ay nangiwan, ganyanan na” PUNYETA! Sinong unang nangiwan.

She decided not to answer the text but she’s so furious she need to.. short and sweet she texted “FU”.
Then boylet replied asking why she’s angry.. this time she reserve not answer...

---------------------------------------------------------
Then she arrived home. Almost sobbing. Pero parang uhog na bumalik sa kanyang mga mata ang kanyang luha ng makita nya ang mga kapatid nya sa tarangkahan ng kanilang tahanan.. Smiling and very much happy seeing her. She felt a little okay.

As soon as she entered their house, her siblings offered her the big chocolate bar and her mom offered her the pickles. She took them all and said “SHET! Batrip ako sa kalabaw na yan! Nakakinis.. nakakabwisit! Gusto kong kuritin singit nya.. hmmmmp!”. Her mom quickly asked, “sino bang kalabaw yan?” then her brother answered “si boylet mami”. “kumain ka nalang.” Her mom answered.

Later that day, as she was, as always checking her FB, she got a message from boylet. It is a must conversation kaya kailangan nyang magreply. Dahil sigurodo pag hindi xa nagreply, hindi na iimik sa boylet at pagtinanong sya kung bakit hindi naman sila ni girlet naguusap sasabihin nya “ewan ko sa kanya’!

And this how the conversation went:

Boylet: Uy girlet, Bakit ka nagalit sakin????

Girlet: AYOKO KASI NG FEELING NA MAY KASAMA KO TAPOS PARANG INIIWAN AKO... TAS NAGMUMUKHA AKO TANGA KASI MAGISA NA KO.

NEXT TIME, GANUN NA NGA...


OO NAGIINARTE AKO, EH YUN YUNG NAFEEL KO.

Boylet: Adik ka, ba eto... eh yun lang yung bakante upuan sa 2nd row eh. Talaga naman...

Girlet: E DI WAG DUN UMUPO.

Boylet: xa next time...

Girlet: wala na next time.

Boylet: adik talaga to oh. tsk tsk... wag ganun.

Girlet: truthfully speaking... hindi pa komportable sa mga ginagalaw mo. parang feeling ko, nandyan ka lang para manahimik ako... para less hassle nga naman sayo, and once okay na... then you'll start rolling again.

walang lang, just so you know.

Boylet: stapleran ko mata mo dyan eh. hehehehe Ba eto.

Girlet: parang multo ang nakaraan na patuloy akong hinaharas...
bakit hindi makalimutan? halos araw araw itong nararamdaman...

last na to.

Boylet: mukha kang pusit! XD

Girlet: kaw MAMMOTH!

Boylet: utot mo! Hehehehe

Well, i guess boylet thought they were already okay. But girlet felt a little off. She’s so upset and nafeel nya na tama xa.. she’s just being lulled para tahimik ang buhay ni boylet... ibig sabihin, lalo lang atang sumama loob nya...

------------------------------------------

The 27th turned to be a little of relief. Girlet and her family talked about the plans and they pretty much accepted what’s gonna happen. That includes girlet looking for a new job, high paying, near home, at maaallow xa mag masteral.

Gusto talaga nya ituloy yung masteral nya, so that kahit papano, lumipat man xa ng work, makikita at makakakuskusang siko parin nya si boylet.

----------------------------------------
(to be continued)

Saturday, June 19, 2010

TATAY...

Hindi ko nais na sirain ang pagdiriwang nyo para sa kanya.
Sa katunayan, saludo ako sa kanila sa pagpapalaki nila sa inyo.
Nandyan pa sila o wala na, naging mabubuti kayong tao – kaibigan.
Higit, nakikilala ko kayo, at naging parte ng buhay ko...

Sa pagkakataong ito, hayaan ninyo muli akong maging EMO...

Anu nga ba siya? Paano nga ba siya makisama? Mas higit, paano ba niya minamahal at inaaruga ang isang anak?

Mahigpit ba siya? Maluwag? Cool? Strict? O Dedma lang?

Niyayakap ka ba niya? Hinahagkan? Binubuhat, nilalambing o kaya napapansin man lang?

Napagalitan ka na ba niya? Nasermonan? Nasigawan? O napalo na ng makailan?

Binabantayan ba niya ang bawat galaw mo? Ang paguwi mo ng wala sa oras o inuusisa man lang kung sino ba ang mga kaibigan mo?

Nakakwentuhan mo na ba siya? Nakasession sa inuman? O nakadebatihan mo na sa isang isyu kahit kachipan man?

Binigyan ka ba nya ng payo? Allowance? Regalo? O anu mang bagay na kahit baduy eh over naman sa effort?

Nasabihan ka na ba niya ng I LOVE U ANAK? O nasabihan mo nab a siya ng LAB U TAY?

Ang SARAP sabihin ng OO noh? TAAS NOO pa kamo!!! With matching ngiting ASO! Kahit mapuno pa ng DIMPLES buong mukha mo! Eh sa PROUD KA sa TATAY mo!!!

SANA ako din... SANA OO din ang sagot ko sa lahat ng tanung ko...
Kahit sa isa man lang, kahit dun sa napapalo ako, okayna din sa kin yon.

Basta kahit sa isang punto, naramdaman ko na may tatay ako...

Yung may maalala ako sa kanya, na kahit papano, may makwekwento ko tungkol sa kanya.

Kahit nga gulagulanit at lumang litrato na magkasama kami okay na...

Gusto ko sanang magsabi ng MAHAL na MAHAl ko DADA ko, kaya lang parang PAKITANG TAO LANG YON! Dahil, ni minsan, hindi ko pa naramdaman na minahal ko xa, dahil ni minsan hindi KO naramdaman o kahit kelan mararamdaman na MINAHAL O MAHAL nya ko...

Kung tatanungin ako kung may gusto akong baguhin sa nakaraan ko, ito yung ISASAGOT ko, na sana, KAHIT man lang isang ARAW nung may ISIP na ko, nakasama ko ang TATAY ko. PARA masabi ko, OO BUO ako, BUO ang PAGKATAO KO...

Yun lang, hindi eh, kahit anu pang gawin ko, KULANG na ko....

HAPPY TATAY’S DAY sa mga DAD’S nyo... =)

Friday, May 14, 2010

Theme SOng kamo????

Nakakatawa lang talaga tong kantang to'. never did i realize na meron.. 95% accurate kumbaga ang drama sa pagrelate...

Almost by Tamia... yung video hanapin nalang pero ipost ko narin e2 oh..




e2 lyrics oh:

[Verse 1]
Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Could someone tell me how can this be
How could my mind pull up incidents
Recall dates and times that never happened
How could we celebrate a love that's too late
And how could I really mean the words I'm bout to say

[Chorus]
I missed the times that we almost shared
I miss the love that was almost there
I miss the times that we use to kiss
At least in my dreams
Just let me take my time and reminisce
I miss the times that we never had
What happened to us we were almost there
Whoever said it's impossible to miss when you never had
Never almost had you

[Verse 2]
I cannot believe I let you go
Or what I should say is I shoulda grabbed you up and never let you go
I shoulda went out with you
I shoulda made you my boo boy
Yeah that's one time I shoulda broke the rules
I shoulda went on a date
Shoulda found a way to escape
Shoulda turned a almost into
If it happend now its to late
How could I celebrate a love that wasn't real
And if it didn't happen why does my heart feel

[Chorus]
I missed the times that we almost shared
I miss the love that was almost there
I miss the times that we use to kiss
At least in my dreams
Just let me take my time and reminisce
I miss the times that we never had
What happened to us we were almost there
Whoever said it's impossible to miss when you never had
Never almost had you

[Verse 3]
(sometimes I wanna rub ya, some nights I wanna hug ya)
And you seem to be the perfect one for me
You (some nights I wanna touch ya but tonight I wanna love ya)
You're all that I ever wanted
And you're my everything yes its true
Boy its hard to be close to you
My love
I know it may sound crazy
But I'm in love with you

[Chorus]
I missed the times that we almost shared
I miss the love that was almost there
I miss the times that we use to kiss
At least in my dreams
Just let me take my time and reminisce
I miss the times that we never had
What happened to us we were almost there
Whoever said it's impossible to miss when you never had
Never almost had you

I missed the times that we almost shared
I miss the love that was almost there (sometimes I wanna rub ya)
I miss the times that we use to kiss
At least in my dreams
Let me take my time and reminisce (but tonight I wanna love ya)
I miss the times that we never had
What happened to us we were almost there
Whoever said its impossible to miss when you never had
Never, never almost had you (but tonight I wanna love ya)

SAYA!!!!XD

Thursday, April 22, 2010

VengeFUL FAREWELL!!!

You told me a million times that i have changed!
I am unreachable!
I am more than distant!
That there is this mile-long space that separates us!

You made me felt it was my entire fault! My doing!
That i should be the one to progress and fix things.
I did, a million times. I ADMIT ALL THE BLUNDERS!
I TURNED OFF MY PRIDE!I gave you TIME!
But what is this?

For every step forward i make you do five backwards.
For every reach i do, you give me walls.
We never met halfway.
You DEMANDED too much! So much i can’t bear them anymore.
That my only option is to say FAREWELL to YOU!

I AM FED UP!

WHY?

BECAUSE:

YOU IRRITATE ME!
YOUR PRESENCE SUFFOCATES ME!
YOUR CHILDISH ACTS are so INAPPROPRIATE it STINKS!
YOU’RE TOO OLD FASHIONED!
YOU’RE SO PREDICTABLE, its LAME!
YOU BORE ME!
YOU SUCK!
YOUR BATTLES are POINTLESS, its STUPID!
YOU... YOU... YOU... GRRRRR!!!!!

I’ll REST MY CASE!

NOW:

I just want to WISH YOU WELL!
Hope you enjoy YOURSELF and YOUR INCONSISTENT PARANOIA!
I cant seem to remember why i LIKED YOU, oh, maybe because there’s no OPTioN!
But hey you’re TREASURED! I just dont know where and when!!!!

P.S.

If ever we meet, just give me the COLD SHOULDER, because that’s what will you GET FROM ME!

Remember this; YOU’RE NOT THE ONLY IMMATURE PERSON IN THIS WORLD, BECAUSE I AM TOO.

The next time we meet, IT CAN BE CLASH!

Thursday, April 15, 2010

Daily Anthem... (Chapter 7) plus plus plus

CHAPTER 7:

I may seem TOO STRONG but actually I’m TOO WEAK ... when it comes to YOU.

I may seem HAPPY but actually, I’m SO MISERABLE... whenever were in a CLASH.

I may seem MOVING ON but actually, I’m STUCK... every time i say GOODBYE.

And the worst part is, before it gets any better were heading in a CLIFF... ready to FALL and FIGHT again.

If only i can TURN ALL THAT I HAVE OFF... i would gladly do it..

But i CANNOT...

-PRIDE-

Daily Anthem... (Chapter 6)

Chapter 6:

Isipin mo ikaw ay ako, at ako ay ikaw. O kaya naman ay ikaw ay siya at siya ay ikaw... pustahan tayo, sa ugali mong yan, umpisa pa lang, suko ka na. Umpisa pa lang lumayo ka na. Umpisa pa lang kung laban ito, talo ka na. Umpisa pa lang, bwisit ka na sa tropa mong isip bata.

Minsan nakakatuwa, pero minsan dumadating ka sa punto na maasar ka na. Lahat may sukdulan, lahat nasasagad. Lahat may katapusan. Parte yan ng buhay. Parte yan ng mundong ating ginagalawan.

Eto pa, hindi sa lahat ng panahon, ikaw lang ang pwede mag isip bata. Pwede rin sila, pwede rin ako, pwede rin sya. Kung ikaw nga pwede kami pa kaya...

Ang sarap lang ng pakiramdam na ikaw lagi ang iniintindi ng mga tao sa paligid mo, ang MALAKING TANONG, PAANO pag nagsawa na SILA? AALIS ka at hahanap ng BAGONG AASIKASO sayo? Aba, SINUSWERTE ka! Bukas makalawa mauubos sila, paano ka?


-ISIP BATA-

Daily Anthem... (Chapter 5)

Chapter 5:

When will you realize the importance of the people surrounding you? When they are all gone? And all you can do is sob and cry?

When will you realize that making life simple will never be possible and if it can be, it will never be that easy and simple as you expect it? You can make walls. You can daydream and make your very own world, BUT, reality will slap you HARD, so HARD it will leave you WORTHLESS...

The day will come you’ll regret every feat you thought you had by ignoring them – by choosing to be simple.

Always remember, you will never have a SIMPLE LIFE! Because dealing with you are never a SIMPLE thing. YOU ARE A PAIN in the ASS. You are a HASSLE! Believe it or not...

-Hassle-

Monday, April 12, 2010

Daily Anthem... (Chapter 1 - 4)

CHAPTER 1

We tend to be forgiving and we set aside our feelings for other people not necessarily because we know how important it is to understand them to keep the relationship but more importantly to satisfy the desire of you to have them around...

But what if you reached the end of the line? What if all that you’ve got is PAIN and HEARTACHES? What if you can longer pursue because you LOST yourself along the course? And, continuing the RELATIONSHIP means losing your balance – you, slowly decaying and on the edge of DYING?

All of a sudden you feel not LOVE but HATRED... All of a sudden you grew TIRED and all you wanted is to FORGET them... you grew SICK and all you wanted is a FRESH START. You suddenly wanted to DISSAPPEAR and never come back and if ever you wanted to, YOU wanted them OUT OF YOUR WORLD...

BUT, you’ll SUDDENLY PAUSE................................................................... you’ll think twice - because you know its SUICIDE.

Where’s the fun in ending your SUFFERING abruptly?

-LOVE-


CHAPTER 2:

Sasabihin mong nakaMOVE ON ka na, pero ang TOTOO hindi pa! Bawat impormasyong nalalaman mo parang SIBAT na tumatama sa PUSO, habang tumatagal, lumalalim ang SUGAT. Habang tumatagal, MAS SUMASAKIT.

BAKIT? Kasi MARTIR kang patuloy na sinasalag ang bawat TIRA... MARTIR ka na hindi UMAARAY... SADISTA AT MASOKISTA KA sa sarili mo na ayaw mo pang AMININ na HINDI MO PA KAYA. NA HINDI KA PA NAGPAPATULOY. NA HINDI KA PA OKAY. NA HINDI PA SAPAT ANG LAKAS MO PARA SABIHING AYAW MO NA TALAGA. TANGINA SILA!!!

Sakaling UMUUSAD ka na, may mga pangyayari na magpapatigil sayo. IKUKULONG ka na naman sa BANGUNGOT na PILIT mong NILALAYUAN. BABALIKAN MONG MULI ang BAWAT SAKIT. BABALIKAN MONG MULI ANG IYONG KATANGAHAN.

Bakit ka nga ba LALAYO kung ito naman ang NAGPAPASAYA sayo?

-PAGIBIG-


CHAPTER 3

You APPRECIATE the PEOPLE surrounding you. You TRUST them, and in your own simple ways, you show how important they are to you. In your own ways, you show them how you love them.

But there is the concept of SIDES. FRIENDSHIP will not be possible with only one person on it, thus, every effort you do should be RECIPROCATED. ITS NOT A RULE NOR A DEMAND! BUT IT IS THE ENERGY for the FRIENDSHIP to SURVIVE. IT IS A REQUIREMENT. A FUNDAMENTAL INGREDIENT. Hence, your RELATIONSHIP will not SURVIVE.

How can you sustain this ENERGY to keep the FRIENDSHIP?

-FRIENDSHIP-


CHAPTER 4

Pero, may mga bagay bagay sa relasyon nyo na hindi maiiwasang sisira dito. NAKAKALIMOT NA SYA, kaya ikaw, NAGHIHIGPIT KA dahil AYAW MO SYANG MAWALA. Ang problema, sa kanya NAKAKASAKAL KA NA PALA.

Sinusubukan mo naman intindihin ang sitwasyon, pero may mga bagay na hindi talaga kayang TANGGAPIN ng NASASAKTANG DAMDAMIN. Kaya, imbes na umaayos ang SITWASYON, lalo pa itong LUMALALA. Kahit anong pilit mong AYUSIN ito, may mga TAONG tila humahadlang na MAAYOS ito... may NAKIKIELAM... may NAGIINARTE... may NAGPAPASAWAY... may DEDMA... may EMOSYONAL... may TANGA at IGNORANTE... may NAGMAMAGANDA... at kung anu-ano pa!

Ang nakakalungkot, lumalaki ang espasyo. Ang nakakalungkot, nasasagad kayo. Ang nakakalungkot, nawawala na kung anu man ang nasimulan nyo. Ang nakakalungkot, bukas makalawa, hindi na kayo magkakilala. Ang nakakalungkot. NAWALA NA KAYO!

Bakit nga ba nagkaganito?

-PAGKAKAIBIGAN-


...to be continued..

Tuesday, April 6, 2010

KAHON

Masaya nung simula... kahit ngayon naman ay Masaya pa rin.
Yun lang, nawala na ang pagnanais pang magpatuloy. Nawala na ang tiwala na patas at maari pang lumago.
IKINAHON na ko sa PUNTONG ITO.
Paano ka pa susunod? Paano ka pa sasabay sa agos ng ilog?
Paano ka pa makikisalamuha sa MUNDONG akala mo ay sa iyo iikot?


Nabigo at patuloy kang nabibigo...
Ibinaba mo ang iyong SARILI upang sa KANILA ay makasabay.
Ngunit bakit bumubulusok ka sa pagkakabulok?
Saan na napunta ang dati na iyong inaalok?
Saan ka na pupulutin? Wala nang hagdanang aakyatan.


Huli ka! Tama ang hinala ko!
Sige ipagpatuloy mo ang pagidolo mo.
Dahil hindi naman IKAW ang nasa kinalalagyan KO!
Sabagay, pabor para sayo ang sitwasyong ito.
At, MALI ka! Siya ang gumawa ng KAHON ko.
Siya NGA ang sanhi ng pagkabigo ko...


++++

SUSUBUKAN kong muli LUMIPAD.
Sana ay hilom na ang sugat sa aking pakpak.
Sana ay alam ko nang muli ang tatahaking landas.
Nang sa gayon, mabawi ko ang panahong lumipas.
Muli ako papaimbabaw!


****

Ngunit bago ang lahat, HAHANAPIN ko muna ang aking UTAK!
Hindi ko maalala kung saan ko ito INILAGAK...


---------------------

Natagpuan ko na!
Sana hindi pa huli ang lahat...

Thursday, April 1, 2010

END op da Layn...

Paano ko ba sisimulan? Pasasalamat? Pangungutya? Paghingi ng paumanhin? O Pamamaalam? Mas mabuti sigurong himay-himayin ko na ang lahat... Para matapos na ang pagdurusa na aking nararamdaman at nang sa gayon, MALAYA ka na sa iyong patutunguhan...

Mas minabuti kong hindi na pasabugin ang bombang hinanda ko. Para saan pa? mas lalo lang bibigat ang sitwasyon, at parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanila. Sapat na ang mga ibinubulalas ko sa Fesbuk...

Sapat na ang sakit na ginawa nila...


*******************************

PASASALAMAT:
Gaano ka saglit pa lang ba tayo magkakilala? Lampas limang buwan na nga ba? Pero sa loob nito, parang ang dami na nating napagdaanan. May masaya, pero mas madalas nakakapagod at nakakauma. Gayunpaman nakakataba ng puso dahil kahit may mga bagay kang nalaman, nanatili ka at naging kaibigan. Sinubukan mo akong intindihin at pagpasensyahan. Sinubukan mong makisama at magpanggap na ayos ka kahit ramdam kong hindi naman.

Pinaramdam mo sa akin ang ilang bagay na hindi ko pa naramdaman kahit kailan. Malamang hindi mo ito intensyon, ngunit yun ang aking tinamasa. Ibang antas ng galak at kasiyahan...

********************************

PANGUNGUTYA:
Subalit bakit ganon, para kang asido na tumutunaw ng unti-unti sa aking pagkatao? Para akong basahan na pagkatapos gamitin ay itinapon mo na lamang! Ni hindi man lang nilabhan at itinabi kung saan. Bakit ako ay dagli mong ibinasura? Dahil ba ako’y iyong pinagsawaan? At nakakita na ng bagong paguumayan?

Hindi ko rin maintindihan, kahihiyan ba ang aking dala sa iyong kabuuan? Bakit kailangan iwasan ang mga usapan kung ang mga ito naman ay walang katotohanan? Bakit hindi na lamang balewalain tutal tayo ay magkaibigan naman? Hindi ba sapat itong dahilan para sabihin sa kanilang wala naman sa ating namamagitan?

Lalo’t higit, nagpadugo sa aking katauhan, bakit kailangan bigyang kahulugan ang mga bagay na aking ginagawa? Hindi ibig sabihin na dahil akoy may pagtangi sa iyo ay maaaring ika’y pagsamantalahan. Saan nanggagaling ang ideya na isang kabuktutan lang naman? Kung gayon, mababa pala ang tingin mo sa akin, kaibigan.

********************************

PAUMANHIN:
Naiintindihan ko na ika’y musmos pa rin. Kahit hindi na ito akma sa iyong kinalalagyan. Paumanhin kung may mga nagawa akong hindi kaaya-aya sa iyong kaalaman. Humihingi ako ng paumanhin sa pagsikil sayong kalayaan. Humihingi ako ng paumnahin sa pagdungis sa iyong reputasyon kung nagkagayon man.

At kung atraso para sayo ang pagtangi ko, paumanhin muli sayo...

Lalo’t higit, humihingi ako ng paumahin sa pagwasak ko sa iyong kasimplehan...


*********************************

PAMAMALAM:
Kung puro pasakit lang naman ang ating dulot sa isa’t-isa, bakit hindi na lang tayo magpaalam na? Hindi ba?

Kaya sa pagkakataong ito, KAIBIGAN, PAALAM na sayo.

Hindi ko na maaaring iharap ang taong nakilala mo, dahil naghihingalo na ito...

Pero kung nais mo, ipapakilala ko ang taong nakikilala ng karamihang tao... yung kayang magbigay ng ordinaryong pakikisama sayo... yung wala nang hinihintay na kung anuman sayo. Yun ay kung ayos lang sayo... at sa muli nating pangangamusta, ordinaryo na rin lang ang ating pakikitungo...

Kaya muli napakasakit man KAIBIGAN, PAALAM....

Tuesday, March 9, 2010

I’m HART (part 1 – 6) last ed. Na to.. promise.:D

Andyan ka lang oh, ilang dipa ang layo sa kinalalagyan ko. Pero parag milyong-milyong milya ang distansya natin sa isa’t-isa.

eto ka [0]........................................................................................... eto AKO [0] laki ng espasyo noh? ngayon paano pa ko sasama sayo, eh mukhang wala na kong lugar sa pinupuntahan mo???

Bakit nga ba sasama pa ko? NagpapakaTANGA? Hindi naman siguro, MASOKISTA lang ng BONGGA. O dahil hindi kayang nawawala ka sa paningin ko.. TANGINA!!! Kala ko MOVE-ON na ko.. okay na pagpapanggap ko, kaya lang, mas nakakapagod pala. Kaya e2, ibinulalas ko na..

Hay, eto na naman ako, EMO, wasak! Pero hindi na para HUmagulgol sa likod ng Tatay-tatayan ko… sapat na ang iniluha ko, para lang akong nag BACK n FORTH sa IMPYERNO, wag nyo lang itanong kung sino yung DEMONYO.. baka kasi kung ano maisagot ko…

Unfair buhay noh? sinisikap mong timbangin ang mga bagay, ngunit sila ang nagpaparamdam sayo na hindi kailanman pwede itong mapantay... ngayon dapat bang tawanan ang mga nasaktan, lalo't higit ikaw ang dahilan? sige TUMAWA ka lang.. may balik din sayo ang lahat ng ito…

Ang mas nagpapabigat pa nito, parang wala naman silang pakielam at parang walang nararamdaman. patay malisya.. dedma.. at wariy walang alam sa kung anu na naman ba ang nagyayari... ikaw lang ba dapat ang magdusa, habang sila ay nagpapakaligaya???

Lungkot lang ang iniiwan sayo.. dusa at hapis... kung gayon, hindi ba dapat ay lisanin mo na ang mga bagay na sumasaksak sa puso mo? hindi ba dapat makontento ka na sa kung anung natira sayo? espasyo ang ibigay mo sa sarili mo. hindi bukas o sa makalawa, bakit hindi mo pa gawin ngayong sabug na sabog kana?

Ang SAGOT? Dahil ibinuhos mo ang lahat ng meron ka… hindi ka nagtira ng para sayo ng sa gayon sakaling mangyari ang PUNYETANG nararanasan mo ngayon, pwede ka mag SYSTEM RESTORE. Parang IT lang yan, kelangan may sapat kang MEMORY, yung GOOD at hindi puro BAD CLUSTERS pag nag DEFRAGMENT ka.. swak ba?

Yun lang, kahit anung subok mo, madadapa at madadapa ka.. mabibigo ka, dahil sa bigat ng dinadala mo. Masakit ang bawat pagbaksak.. malas mo pa may PEKLAT, isang tanda na lagging magpapaalala sayo..Bakit? wala bang tumutulong sayo? TANGA! meron, ayaw mo lang kunin ang mga kamay na iniabot nila sayo...

Lagi kang oo, kaya ko to, nakaMOVE ON na ko, pero wag ka, nilulunod mo ang PESBUK ng kadramahan mo! Pampalubag loob ang mga FANS mo… puro “KAYA mo yan GURL” pero sa TOTOO pag tiningnan mo nga ACCOUNT nila, WASAK din pala…

HINAYUPAK KAYO! NAGPAPLASTIKAN LANG PALA TAYO! Bakit ba ayaw pa natin aminin na mahirap talaga, SUPORTAHAN nalang , baka mas okay pa…

Kaya IKAW, AKO, KAYO! wag mong ipangako.. gawin mo. hindi para sa iba, kundi para sa SARILI mo.. Ngayon kung hindi mo pa talaga kaya, itago mo nalang nang hindi nila ALAM, dahil meron talagang mga pasaway at SADISTA, lalo ka panilang pahihirapan.. MAMATAY ka man, atleast hindi nila alam na dahil NABIGO ka na naman…

Wait lang, hindi ba sabi ko last na yung KAIBIGAN? Iclear ko lang… sana huli na to… SORRY mukhang masyadong MATABIL ang DILA ko para hindi magsulat ng NAKAKABULABOG na AKDA…

Pero this time, LAST na to…

Monday, February 22, 2010

Kaibigan?

Sana huli na ito. Huli sa aspeto na bigo ako. Bigo sa pagbibigay atensyon sa taong hindi naman kayang suklian ang kaya kong ibigay.

Mali! Mali dahil umasa ko na may ibibigay siya. Mali na naman talaga sa umpisa. Ano pa ba ang dapat asahan kung patapos na.

Ang sakit. Suko ang sistema ko. Suko dibdib ko. Suko ang isip ko. Suko na talaga ko. Ayoko na.

Sa pagkakataong ito, hindi ako maghihintay ng anumang aksyon mula sayo. Bahala ka na. Bahala ka na sa buhay mo. Yun naman lagi ang pinanarating mo. Sawa na kong dalhin ka sa isang usapang seryoso. Sa isang realidad na hindi mo kayang pakiharapan.

Ngayon, baka nagtataka ka, ano naman bang meron at parang hindi naman tayo magkakilala. Hindi na kita kilala, yun nga ang problema…

Sino ka na nga ba?

Ipagpaumanhin mo, pero magiging garapal ako…

Naalala mo nung minsan humingi ako ng paumanhin sa’yo? Paumanhin sa lahat ng sakit na naidulot ko sa’yo? Ano nga ba ang sagot mo dahil tila hindi ko na maalala ang mga ito?

Wala. wala ni isang salita!

Hindi ako umasang dagli mo akong mapapatawad, ngunit sana kahit man lang katotohanang hindi na kailanman sinabi mo, ng hindi ako nanghuhula sa akung ano ba ang nilalaman ng damdamin mo.

Yun! Yun ang problema ko sayo, hindi mo sinasabi kung ano ang nasasaisip mo. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman mo. Kailangan bang laging hulaan tayo?

Espasyo. Espasyo ang nakikita ko. Espasyo ang garapalan mong pinararamdam sa akin. Hindi naman ako bato para hindi maramdaman ito. Kaya ito, ibinibigay ko na sayo. Ang espasyong ninanais mo!

Panahon na rin naman siguro. Tutal naman, nalalapit na ang paglisan mo at nakatagpo ka na ng bagong makakasama mo… natutuwa ako para say o…

Ngayon, maaring nagtataka ka, san ba nanggagaling ang mga hinuha ko? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Sino na nga ba ngayon ang taong nakilala ko noon???

Maitanong ko lang, hindi na para sagutin mo pa, pero kung nais mo, okay lang din naman. NAGING TOTOO KA BA SA AKIN? GAANO KATOTOO? O BAKA NAMAN GINAMIT MO LANG AKO????

Anu’t-ano man, NAGING MASAYA NAMAN AKO. Mas HIGIT, NASAKTAN AKO…

SALAMAT SA PAKIKIPAGKAIBIGAN MO!

Pero sana, hindi matapos kung ano mang meron tayo sa ganito…

Saturday, February 13, 2010

LUHA

Maikwento ko lang…

Gabi ng huwebes, matapos mamili sa tiangge, lumamon ng sisig na puro taba at lumaklak ng pop cola, matahimik akong umuwi sa aking tinitirhan. Mainit, nakakapaso at nakakabugnot ang itsura nito. Dagli kong binuhay ang bentilador at naghintay ng sandali bago tuluyang isinara ang pinto. Iwinasiwas ang sapatos at medyas, naghubad, at nagmamadaling isinukat ang mga mahalay na damit pambaba na aking nakulimbat. Umikot-ikot at hindi mapakali sa nakikita sa salaming bagong bili. Pwede! Pwede na rin… pwede nang pagtyagaan ang mga mumurahing kasuotan na ni sa hinagap ko noon ay hindi kailan man mabibili at magkakasya sa kin.

Siyempre, dahil hindi normal ang araw na iyon dahil maaga akong napirme sa aking silid, minabuti ko nang magayos ng sarili at nagbasa ng nobela.

Matapos basahin ang ilang pahina, nakaramdam ako ng matinding emosyon, at ayun, hindi ko na napigilang mapahikbi at maiyak. Punyeta, sobrang lungkot ko pala….

Tinext ko ang aking ina at mga kapatid, sobrang namiss ko sila. Sumagot ang una, nagtanong akong muli. Gustung-gusto ko silang tawagan, ngunit sigurado magaalala lang siya dahil hikbi at hagulgol lang ang maririnig nya…

Kagaya ng dati, saglit lang ang aming sagutan. Kaya upang mailabas ko ang aking nararamandaman, sinubukan kong magkwento sa lola. Yun lang, parang himbing na ata sa pagkakahiga, kaya minarapat ko nalang umatungal magisa. Kahit sa paraan man lang na iyon mabawasan ang sakit na aking dinadala…

Blanko…

Ng magkaroon ako ng ulirat, umaga na. Parang normal naman ang umagang yon, tiningnan ang telepono kung may mensahe at kung anong oras na, at yun, nabasa ang sagot ng lola na nagtatanong kung bakit – tumutukoy sa tanong ko kung gising pa sya.

Minabuti kong maghanda sa pagpasok. Kakaiba. Hindi ako nagpatugtog habang naliligo, ni hindi ako uminom ng isang basong tubig pagkagising. At laung-lalo na, naligo akong may underwear… hay, sabog.

Ang mga sumunod na oras ay ginugol ko sa pagaayos ng aking buhok. Pagkatapos ay nagbasa muli ng nobela habang naguubos ng petsa. Isa na itong normal na Gawain na sana makasanayan na.

Himatlugin akong naglakad papasok sa opisina. Nag-IN ant umakyat sa hagdanan. Kinuha ang susi at binuksan ang pinto ng kahon. At yun, bumalik muli ang lungkot na sana ay naibaon nalang sa limot.

Dinalaw ko ang aking ate sa kanyang kinalalagyan at napansin ko agad ang mugto niyang mga mata. Hay, sabay na naman ang MOMENT ng mga mahadera…

Bumalik ako sa aking opisina kasama siya at doon nagkwento siya sa kanyang drama. Nangilid ang luha ko. At sa pagkakataong ito, nagdesisyon akong sabihin na sa aking ina.

Tinext ko muli siya, at sa pagkakataong ito sinabi ko na ang aking nararamdaman. May pagaalala sa kanyang mga mensahe, isang realidad na nagpasikip sa aking dibdib, ilang saglit lang at tumutulo na ang aking luha…
Ilang saglit lang ay gumagawa na naman ako ng mga desisyon hindi pinagiisipan.. Ilang saglit lang ay wala na.. wala na muli ang luha, kaya bumalik na ako sa aking opisina. Nang biglang tumunog muli ang aking telepono. Isang mensahe mula sa aking ina nagpangilid muli sa aking luha. Dagli akong lumabas at umatungal.

Tinext ko muli ang lola na nasa balkonahe lamang ako at nageemo. Ilang Segundo at andyan na sya. Naguusisa. Maya-maya pati siya naluluha.

Hay… ilang minuto at tapos na… ayos na ang plano… kaya balik na muli sa trabaho…

Yun lang… maikwento ko lang….

Saturday, February 6, 2010

AMATS!


Ito ang unang pagkakataon na gustung-gusto kong magsulat at ilabas ang nasasaloob ko ngunit tila wala akong maisip na konsepto... sabog na ang aking emosyon: tumutulo ang luha,sumisikip ang dibdib at parang gusto nang humiyaw. Nararamdaman kong gustung humiwalay ng aking diwa sa aking katawan upang sa gayon ay malimutan ang sakit na nararamdaman.

Oo, bagong gising ako. Ni hindi pa nakakapaghilamos. Puno pa ng muta ang mata ko. Kumakalam ang sikmura. Humihikbi sa katanghaliang tapat. Pawisan. At higit sa lahat, nangungunti ako…

Nagsisisi sa mga istoryang ibinulalas ko! Nagsisisi at nagsabi ng totoo… Nagsisisi at nagpakatotoo ako… Di sana patay malisya ako sa nararamdaman ko. Di sana wala silang malay sa pighati ko… Di sana palihim lang akong nasasaktan ng dahil SAYO…

Ngayon, masisisi mo ba ako kung kasinungalingan ang pagsang-ayon ko SAYO? Masisisi mo ba ako at lagi kong bukang-bibig ang pagiging MAKASARILI MO? Masisisi mo ba ako at hindi ko kayang maging MASAYA katulad MO, datapwat sinabi kong SUSUBUKAN KO?

Ngayon, tapatin MO ako, anu ba talaga ang nais mong mamutawi sa bibig ko? Ano ba ang nais mong mga salitang bitawan ko? TAPATAN na tayo, pagod na pagod na KO at alam kong yamot na yamot KA na rin naman sa sitwasyong ito!

Malugod kong tinanggap ang pagkakaibigang isinukli mo, sana lang ay wagas ito gaya ng ibinigay ko. Masakit!
OO, UNA ka sa buhay ko!
Sana maintidihan mo, pangunawa ang kailangan ko… MALAKING PANGUNAWA SA ASPETONG ITO….

Ilan buwan pa ba ang bibilangin natin? Linggo o araw na lang ba kung susumahin? Hindi dahil may aalis at magkakaron ng espasyo, kundi dahil pipiliing LUMAYO at TAKASAN ito…
Sana maunawaan mo, DALAWA pagkatao ko… Paano ang KAIBIGANG iiwan mo??!

Sa pagkakataong ito, aasahan ko ang SAGOT MO. Alam ko na idadahilan mong hindi ka ganito. Ayaw mo ng seryoso. Ngunit hanggang kailangan?

Lagi mong tatandaan na sa likod ng magandang ngiti ng PAYASO ay pagdurusa at pagbabalat-kayo!

ALKOHOL! Asan ka ngayong nauuhaw ako sa’yo? Asan ka ngayong gusto kong lunurin ang sarili ko? Asan ka kung kelan wala sino man sa tabi ko?

Buti na lang at iwinawaksi ng sistema MO ang likidong ito! Dahil kung hindi, mas mahirap kong matatanggap ang kabiguan kung kasama kita sa AMATS ko…

Friday, February 5, 2010

Oh Peee!

Hindi umaayon ang pagkakataon sayo! Hindi alinsunod sa horoscope na araw-araw mong binabasa. Kundangan ba namang isabuhay mo. Bakit hindi mo subukang basahin ang ibang peryodiko? Baka sakali sa bersyong yon tama na sayo?

Bilog na nga ang mundo! nararamdaman mong unti-unti kang bumababa. Nararamdaman mong nawawala kang parang bula. Isa ka na lang papel na kinulumpoy at handa ng itapon.

Nauupos ka nang parang kandila! Abot na sa sukdulan ang iyong pagpapanggap. Ilang paghuhunyango at lalabas na ang totoo. Ano nga ba ang totoo? Handa ka na bang sabihin ito? Handa ka na bang makita silang mawindang? O parang bale wala ka lang?

Ang tanong, bakit ka ba ganito? Bakit parang kape na ang lasa mo sa pulot-pukyutang nilalasap mo? Bakit pasung-paso ka sa kahong itinuring mong parang palasyo?Bakit lungkot na ang nararamdaman mo sa kapatirang nagpapasaya sayo?

Ang sagot?
EWAN KO?
Ang sigurado, yun ang pinararamdam nila sayo!

Baka naman mali lang ang pagkakaintindi mo?
Baka kumitid na ang pangunawa mo?
Baka ikaw na rin ang naglalayo sa sarili mo?
Baka naman karma na ito sayo?

Kung anut-ano man, handa na ko...

 Handa na ko sa labang kahit kailan ay hindi ko kayang ipanalo!

Dahil sa umpisa pa lang, TALO na ko!!!


Thursday, February 4, 2010

ChisMiss...

Susundutin ko lang yung mga matang nagmamatyag sa akin....

normal na nagsimula ang araw ko. Nagising ako ng ala-6 sa atungal ni Beyonce sa kantang HALO, bumangon ako, uminom ng isang basong tubig at agad kinuha ang plantsa upang unatin ang damit na susuutin...Nakipagunahan ako sa banyo upang maligo para naman matagal ang panahon ko para maayos ang pamatay kong BANGS! nagblush on.. kumanta at sinigurado na tuyo ang kilikili bago umalis..

NORMAL... yan ang normal kong pinaggagawa sa umaga.. NAKAKATAMAD na nga eh.. sa sobrang palasak na, parang AYOKO ng GUMISING...

pero dahil hindi magandang ideya yun... bakit hindi ADAM LAMBERT naman ang gawin kong alarm tone? ewan ko lang kung hindi mayanig ang tulog ko at maiba ang SISTE ng araw ko... tapos subukan kong isuot muli ang kumot kong mga pantalon at damit... ewan lang kung hindi magtaasan ang kilay ng mga mahadera na trip na trip batiin ang humuhubog kong katawan!

sige ang RAMPA! kala mo modelo kung lumakad sa kalsada. SORRY! natural na pagindayog ng pumoporma kong puwetan yan.. hindi sa inaarte lang...

sige sa paglipad ang BANGS! matagal kong pinahaba at tiniis na magmukhang sabukot para hindi ipagyabang...

sige sa pagliyad ng DIBDIB! hindi peke yan. natural na taba na naiiwan sa pagpapapayat ko. kasalan ko ba na bilugan ang mga ito?

pagdating ng alas-8, kumpleto na ang mga karakter sa BUHAY ko... dadating na ang TATAY, tatawagan ko na ang NANAY, makikipagkulitan na sa TROPA, sa KAOPISINA at lalung-lalo na: MAKIKIPLASTIKAN na sa kanila... o diba, telenovela.. ay kulang.. walang mga kontrabida.. o xa.. eto na...

andyan ang hanapin sa yo ang TAONG laging idinidikit sa PANGALAN mo.

andyan na laging tanong kung may iniinom kaba dahil lalo kang pumapayat.

andyan na inuusig ka na HUMAHADA dahil sa ginagabing uwi mo...

at higit sa lahat, andyan na kahit siguro paghinga mo, paguusapan. Wala lang! Para lang may mapagusapan sila TUNGKOL SA YO!!!!

Sarap malaman na ginagawa kang usapan! Sarap isipin na nagiging bukang bibig ka nila! daig mo pa ang artista sa MAY BUKAS PA! sana lang may ratings para may extra income!

Yun lang, kung TRUE TO LIFE ang plot ng ISTORYA, sana tama ang impormasyon at akda...

hindi puro mali ang hinuha at pawang kathang isip lamang...

At lalo na, sana may maganda at nagkakapagpataas ng ihi namang mga istorya ang tinatahi nila...

NORMAL! normal na tatakbo ang oras! kakain ng tanghalian, may pilitan at may bwisitan pa kung saan ba ang lamunan! magsisipilyo, maglalaro, ito ang parte na sa tingin ko hindi ko pagsasawaan! Wala lang, parang hayskul ang DRAMA. Tapos yun na, balik na naman sa napanormal na gawaing opisina...

Magpapauyuhan kung sino ang gasgasta sa merienda. Pakuriputan, lalo na yung MANONG na sobra ang KATIKALAN!!!

Magaalasingko na! nagmamadali na ang lahat sa paguwi ng bigla tutunog ang telepono. YUN NA! YUN NA ang PINAKA PANIRA ng ARAW! NAKAKAWINDANG! NAKAKAASAR! NAKAKAPAGSABOG ng PINIPIGILANG GALIT SA DIBDIB!!!

kaya ayun, TAPOS ang araw mo!

Ngayon sinong MAGSASABI na nais at ibig ko ang eksenang yun! Ngayon sinong MAGSASABI na sumisipsip ako sa NILALANG na KAHIT kelan hindi ko NAGUSTUHAN.. HALIMAW siya na UHAW sa LAMAN...

Pero dahil MAGULO nga ako, hahanap at hahanap ng dahilan upang kahit papano, masagip ang pinasabog kong GABI..

Magtetext at maglalabas ng sama ng loob sa taong kay sarap kausap, pano ba naman, puro ETYAS alam! ang SWEET kung di ba naman...

 hindi pa yon tapos! may part 2, 3 and 4 pa sa FESBUK... maghaharvest, mangingisda, at magpopost ng nakakawindang na mga STATUS... tapos makikipagCHAT...

NORMAL! yan ang normal na takbo ng gabi ko! ewan ko lang kung hanggag kelan... ewan ko lang kung hanggang kelan ko pagtitiisan ang mga BWISIT sa BUHAY ko!.

Pero dahil nga MAGULO talaga ko... hahanap at hahanap ako ng PARAAN para sila ay MAIWASAN, kung hindi ko man sila MAWAKASAN!!!





Wednesday, February 3, 2010

Unang Banat!

Wala akong ginawa pero parang pagod na pagod ako!

Halos maghapon lang akong nakaupo at inuurirat ang mga lumang dokumento na ginagawang bago.

Halos maghapon akong nakikipagbangayan. Halos maghapon akong minamatyagan ng mga mapanuring mga mata.

Hindi ko sila masisi kung sa tingin nila napaka interesante ng BUHAY ko!!!

Mukha akong masaya pero sa loob, kaunti na lang bibigay na... Isang bira kung baga, tutulo na ang luha.. ewan ba. Parang pilit ang bawat galaw ko. Nakikiramdam sa sasabihin ng mga tao...

May hinihintay ako. Hindi ko lang alam kung ano... sobrang tagal na, kaya atat na talaga, tulo laway pa kung sa eksaherado. Mamakat mo, sa sobrang pagnanais ko, kabaliwan ko na ang bawat panahon kinakain nito...

Nasasaktan ako. Pero hindi na para sabihin ko pa sa kanila. Sino ba ako sa buhay nila para intindihin pa?

Kahit man lang maramdaman nila ang hinagpis ko, panalo na...