Sana huli na ito. Huli sa aspeto na bigo ako. Bigo sa pagbibigay atensyon sa taong hindi naman kayang suklian ang kaya kong ibigay.
Mali! Mali dahil umasa ko na may ibibigay siya. Mali na naman talaga sa umpisa. Ano pa ba ang dapat asahan kung patapos na.
Ang sakit. Suko ang sistema ko. Suko dibdib ko. Suko ang isip ko. Suko na talaga ko. Ayoko na.
Sa pagkakataong ito, hindi ako maghihintay ng anumang aksyon mula sayo. Bahala ka na. Bahala ka na sa buhay mo. Yun naman lagi ang pinanarating mo. Sawa na kong dalhin ka sa isang usapang seryoso. Sa isang realidad na hindi mo kayang pakiharapan.
Ngayon, baka nagtataka ka, ano naman bang meron at parang hindi naman tayo magkakilala. Hindi na kita kilala, yun nga ang problema…
Sino ka na nga ba?
Ipagpaumanhin mo, pero magiging garapal ako…
Naalala mo nung minsan humingi ako ng paumanhin sa’yo? Paumanhin sa lahat ng sakit na naidulot ko sa’yo? Ano nga ba ang sagot mo dahil tila hindi ko na maalala ang mga ito?
Wala. wala ni isang salita!
Hindi ako umasang dagli mo akong mapapatawad, ngunit sana kahit man lang katotohanang hindi na kailanman sinabi mo, ng hindi ako nanghuhula sa akung ano ba ang nilalaman ng damdamin mo.
Yun! Yun ang problema ko sayo, hindi mo sinasabi kung ano ang nasasaisip mo. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman mo. Kailangan bang laging hulaan tayo?
Espasyo. Espasyo ang nakikita ko. Espasyo ang garapalan mong pinararamdam sa akin. Hindi naman ako bato para hindi maramdaman ito. Kaya ito, ibinibigay ko na sayo. Ang espasyong ninanais mo!
Panahon na rin naman siguro. Tutal naman, nalalapit na ang paglisan mo at nakatagpo ka na ng bagong makakasama mo… natutuwa ako para say o…
Ngayon, maaring nagtataka ka, san ba nanggagaling ang mga hinuha ko? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Sino na nga ba ngayon ang taong nakilala ko noon???
Maitanong ko lang, hindi na para sagutin mo pa, pero kung nais mo, okay lang din naman. NAGING TOTOO KA BA SA AKIN? GAANO KATOTOO? O BAKA NAMAN GINAMIT MO LANG AKO????
Anu’t-ano man, NAGING MASAYA NAMAN AKO. Mas HIGIT, NASAKTAN AKO…
SALAMAT SA PAKIKIPAGKAIBIGAN MO!
Pero sana, hindi matapos kung ano mang meron tayo sa ganito…
Monday, February 22, 2010
Saturday, February 13, 2010
LUHA
Maikwento ko lang…
Gabi ng huwebes, matapos mamili sa tiangge, lumamon ng sisig na puro taba at lumaklak ng pop cola, matahimik akong umuwi sa aking tinitirhan. Mainit, nakakapaso at nakakabugnot ang itsura nito. Dagli kong binuhay ang bentilador at naghintay ng sandali bago tuluyang isinara ang pinto. Iwinasiwas ang sapatos at medyas, naghubad, at nagmamadaling isinukat ang mga mahalay na damit pambaba na aking nakulimbat. Umikot-ikot at hindi mapakali sa nakikita sa salaming bagong bili. Pwede! Pwede na rin… pwede nang pagtyagaan ang mga mumurahing kasuotan na ni sa hinagap ko noon ay hindi kailan man mabibili at magkakasya sa kin.
Siyempre, dahil hindi normal ang araw na iyon dahil maaga akong napirme sa aking silid, minabuti ko nang magayos ng sarili at nagbasa ng nobela.
Matapos basahin ang ilang pahina, nakaramdam ako ng matinding emosyon, at ayun, hindi ko na napigilang mapahikbi at maiyak. Punyeta, sobrang lungkot ko pala….
Tinext ko ang aking ina at mga kapatid, sobrang namiss ko sila. Sumagot ang una, nagtanong akong muli. Gustung-gusto ko silang tawagan, ngunit sigurado magaalala lang siya dahil hikbi at hagulgol lang ang maririnig nya…
Kagaya ng dati, saglit lang ang aming sagutan. Kaya upang mailabas ko ang aking nararamandaman, sinubukan kong magkwento sa lola. Yun lang, parang himbing na ata sa pagkakahiga, kaya minarapat ko nalang umatungal magisa. Kahit sa paraan man lang na iyon mabawasan ang sakit na aking dinadala…
Blanko…
Ng magkaroon ako ng ulirat, umaga na. Parang normal naman ang umagang yon, tiningnan ang telepono kung may mensahe at kung anong oras na, at yun, nabasa ang sagot ng lola na nagtatanong kung bakit – tumutukoy sa tanong ko kung gising pa sya.
Minabuti kong maghanda sa pagpasok. Kakaiba. Hindi ako nagpatugtog habang naliligo, ni hindi ako uminom ng isang basong tubig pagkagising. At laung-lalo na, naligo akong may underwear… hay, sabog.
Ang mga sumunod na oras ay ginugol ko sa pagaayos ng aking buhok. Pagkatapos ay nagbasa muli ng nobela habang naguubos ng petsa. Isa na itong normal na Gawain na sana makasanayan na.
Himatlugin akong naglakad papasok sa opisina. Nag-IN ant umakyat sa hagdanan. Kinuha ang susi at binuksan ang pinto ng kahon. At yun, bumalik muli ang lungkot na sana ay naibaon nalang sa limot.
Dinalaw ko ang aking ate sa kanyang kinalalagyan at napansin ko agad ang mugto niyang mga mata. Hay, sabay na naman ang MOMENT ng mga mahadera…
Bumalik ako sa aking opisina kasama siya at doon nagkwento siya sa kanyang drama. Nangilid ang luha ko. At sa pagkakataong ito, nagdesisyon akong sabihin na sa aking ina.
Tinext ko muli siya, at sa pagkakataong ito sinabi ko na ang aking nararamdaman. May pagaalala sa kanyang mga mensahe, isang realidad na nagpasikip sa aking dibdib, ilang saglit lang at tumutulo na ang aking luha…
Ilang saglit lang ay gumagawa na naman ako ng mga desisyon hindi pinagiisipan.. Ilang saglit lang ay wala na.. wala na muli ang luha, kaya bumalik na ako sa aking opisina. Nang biglang tumunog muli ang aking telepono. Isang mensahe mula sa aking ina nagpangilid muli sa aking luha. Dagli akong lumabas at umatungal.
Tinext ko muli ang lola na nasa balkonahe lamang ako at nageemo. Ilang Segundo at andyan na sya. Naguusisa. Maya-maya pati siya naluluha.
Hay… ilang minuto at tapos na… ayos na ang plano… kaya balik na muli sa trabaho…
Yun lang… maikwento ko lang….

Saturday, February 6, 2010
AMATS!
Ito ang unang pagkakataon na gustung-gusto kong magsulat at ilabas ang nasasaloob ko ngunit tila wala akong maisip na konsepto... sabog na ang aking emosyon: tumutulo ang luha,sumisikip ang dibdib at parang gusto nang humiyaw. Nararamdaman kong gustung humiwalay ng aking diwa sa aking katawan upang sa gayon ay malimutan ang sakit na nararamdaman.
Oo, bagong gising ako. Ni hindi pa nakakapaghilamos. Puno pa ng muta ang mata ko. Kumakalam ang sikmura. Humihikbi sa katanghaliang tapat. Pawisan. At higit sa lahat, nangungunti ako…
Nagsisisi sa mga istoryang ibinulalas ko! Nagsisisi at nagsabi ng totoo… Nagsisisi at nagpakatotoo ako… Di sana patay malisya ako sa nararamdaman ko. Di sana wala silang malay sa pighati ko… Di sana palihim lang akong nasasaktan ng dahil SAYO…
Ngayon, masisisi mo ba ako kung kasinungalingan ang pagsang-ayon ko SAYO? Masisisi mo ba ako at lagi kong bukang-bibig ang pagiging MAKASARILI MO? Masisisi mo ba ako at hindi ko kayang maging MASAYA katulad MO, datapwat sinabi kong SUSUBUKAN KO?
Ngayon, tapatin MO ako, anu ba talaga ang nais mong mamutawi sa bibig ko? Ano ba ang nais mong mga salitang bitawan ko? TAPATAN na tayo, pagod na pagod na KO at alam kong yamot na yamot KA na rin naman sa sitwasyong ito!
Malugod kong tinanggap ang pagkakaibigang isinukli mo, sana lang ay wagas ito gaya ng ibinigay ko. Masakit!
OO, UNA ka sa buhay ko!
Sana maintidihan mo, pangunawa ang kailangan ko… MALAKING PANGUNAWA SA ASPETONG ITO….
Ilan buwan pa ba ang bibilangin natin? Linggo o araw na lang ba kung susumahin? Hindi dahil may aalis at magkakaron ng espasyo, kundi dahil pipiliing LUMAYO at TAKASAN ito…
Sana maunawaan mo, DALAWA pagkatao ko… Paano ang KAIBIGANG iiwan mo??!
Sa pagkakataong ito, aasahan ko ang SAGOT MO. Alam ko na idadahilan mong hindi ka ganito. Ayaw mo ng seryoso. Ngunit hanggang kailangan?
Lagi mong tatandaan na sa likod ng magandang ngiti ng PAYASO ay pagdurusa at pagbabalat-kayo!
ALKOHOL! Asan ka ngayong nauuhaw ako sa’yo? Asan ka ngayong gusto kong lunurin ang sarili ko? Asan ka kung kelan wala sino man sa tabi ko?
Buti na lang at iwinawaksi ng sistema MO ang likidong ito! Dahil kung hindi, mas mahirap kong matatanggap ang kabiguan kung kasama kita sa AMATS ko…
Friday, February 5, 2010
Oh Peee!
Hindi umaayon ang pagkakataon sayo! Hindi alinsunod sa horoscope na araw-araw mong binabasa. Kundangan ba namang isabuhay mo. Bakit hindi mo subukang basahin ang ibang peryodiko? Baka sakali sa bersyong yon tama na sayo?
Bilog na nga ang mundo! nararamdaman mong unti-unti kang bumababa. Nararamdaman mong nawawala kang parang bula. Isa ka na lang papel na kinulumpoy at handa ng itapon.
Nauupos ka nang parang kandila! Abot na sa sukdulan ang iyong pagpapanggap. Ilang paghuhunyango at lalabas na ang totoo. Ano nga ba ang totoo? Handa ka na bang sabihin ito? Handa ka na bang makita silang mawindang? O parang bale wala ka lang?
Ang tanong, bakit ka ba ganito? Bakit parang kape na ang lasa mo sa pulot-pukyutang nilalasap mo? Bakit pasung-paso ka sa kahong itinuring mong parang palasyo?Bakit lungkot na ang nararamdaman mo sa kapatirang nagpapasaya sayo?
Ang sagot?
EWAN KO?
Ang sigurado, yun ang pinararamdam nila sayo!
Baka naman mali lang ang pagkakaintindi mo?
Baka kumitid na ang pangunawa mo?
Baka ikaw na rin ang naglalayo sa sarili mo?
Baka naman karma na ito sayo?
Kung anut-ano man, handa na ko...
Handa na ko sa labang kahit kailan ay hindi ko kayang ipanalo!
Dahil sa umpisa pa lang, TALO na ko!!!

Thursday, February 4, 2010
ChisMiss...
Susundutin ko lang yung mga matang nagmamatyag sa akin....
normal na nagsimula ang araw ko. Nagising ako ng ala-6 sa atungal ni Beyonce sa kantang HALO, bumangon ako, uminom ng isang basong tubig at agad kinuha ang plantsa upang unatin ang damit na susuutin...Nakipagunahan ako sa banyo upang maligo para naman matagal ang panahon ko para maayos ang pamatay kong BANGS! nagblush on.. kumanta at sinigurado na tuyo ang kilikili bago umalis..
NORMAL... yan ang normal kong pinaggagawa sa umaga.. NAKAKATAMAD na nga eh.. sa sobrang palasak na, parang AYOKO ng GUMISING...
pero dahil hindi magandang ideya yun... bakit hindi ADAM LAMBERT naman ang gawin kong alarm tone? ewan ko lang kung hindi mayanig ang tulog ko at maiba ang SISTE ng araw ko... tapos subukan kong isuot muli ang kumot kong mga pantalon at damit... ewan lang kung hindi magtaasan ang kilay ng mga mahadera na trip na trip batiin ang humuhubog kong katawan!
sige ang RAMPA! kala mo modelo kung lumakad sa kalsada. SORRY! natural na pagindayog ng pumoporma kong puwetan yan.. hindi sa inaarte lang...
sige sa paglipad ang BANGS! matagal kong pinahaba at tiniis na magmukhang sabukot para hindi ipagyabang...
sige sa pagliyad ng DIBDIB! hindi peke yan. natural na taba na naiiwan sa pagpapapayat ko. kasalan ko ba na bilugan ang mga ito?
pagdating ng alas-8, kumpleto na ang mga karakter sa BUHAY ko... dadating na ang TATAY, tatawagan ko na ang NANAY, makikipagkulitan na sa TROPA, sa KAOPISINA at lalung-lalo na: MAKIKIPLASTIKAN na sa kanila... o diba, telenovela.. ay kulang.. walang mga kontrabida.. o xa.. eto na...
andyan ang hanapin sa yo ang TAONG laging idinidikit sa PANGALAN mo.
andyan na laging tanong kung may iniinom kaba dahil lalo kang pumapayat.
andyan na inuusig ka na HUMAHADA dahil sa ginagabing uwi mo...
at higit sa lahat, andyan na kahit siguro paghinga mo, paguusapan. Wala lang! Para lang may mapagusapan sila TUNGKOL SA YO!!!!
Sarap malaman na ginagawa kang usapan! Sarap isipin na nagiging bukang bibig ka nila! daig mo pa ang artista sa MAY BUKAS PA! sana lang may ratings para may extra income!
Yun lang, kung TRUE TO LIFE ang plot ng ISTORYA, sana tama ang impormasyon at akda...
hindi puro mali ang hinuha at pawang kathang isip lamang...
At lalo na, sana may maganda at nagkakapagpataas ng ihi namang mga istorya ang tinatahi nila...
NORMAL! normal na tatakbo ang oras! kakain ng tanghalian, may pilitan at may bwisitan pa kung saan ba ang lamunan! magsisipilyo, maglalaro, ito ang parte na sa tingin ko hindi ko pagsasawaan! Wala lang, parang hayskul ang DRAMA. Tapos yun na, balik na naman sa napanormal na gawaing opisina...
Magpapauyuhan kung sino ang gasgasta sa merienda. Pakuriputan, lalo na yung MANONG na sobra ang KATIKALAN!!!
Magaalasingko na! nagmamadali na ang lahat sa paguwi ng bigla tutunog ang telepono. YUN NA! YUN NA ang PINAKA PANIRA ng ARAW! NAKAKAWINDANG! NAKAKAASAR! NAKAKAPAGSABOG ng PINIPIGILANG GALIT SA DIBDIB!!!
kaya ayun, TAPOS ang araw mo!
Ngayon sinong MAGSASABI na nais at ibig ko ang eksenang yun! Ngayon sinong MAGSASABI na sumisipsip ako sa NILALANG na KAHIT kelan hindi ko NAGUSTUHAN.. HALIMAW siya na UHAW sa LAMAN...
Pero dahil MAGULO nga ako, hahanap at hahanap ng dahilan upang kahit papano, masagip ang pinasabog kong GABI..
Magtetext at maglalabas ng sama ng loob sa taong kay sarap kausap, pano ba naman, puro ETYAS alam! ang SWEET kung di ba naman...
hindi pa yon tapos! may part 2, 3 and 4 pa sa FESBUK... maghaharvest, mangingisda, at magpopost ng nakakawindang na mga STATUS... tapos makikipagCHAT...
NORMAL! yan ang normal na takbo ng gabi ko! ewan ko lang kung hanggag kelan... ewan ko lang kung hanggang kelan ko pagtitiisan ang mga BWISIT sa BUHAY ko!.
Pero dahil nga MAGULO talaga ko... hahanap at hahanap ako ng PARAAN para sila ay MAIWASAN, kung hindi ko man sila MAWAKASAN!!!

Wednesday, February 3, 2010
Unang Banat!
Wala akong ginawa pero parang pagod na pagod ako!
Halos maghapon lang akong nakaupo at inuurirat ang mga lumang dokumento na ginagawang bago.
Halos maghapon akong nakikipagbangayan. Halos maghapon akong minamatyagan ng mga mapanuring mga mata.
Hindi ko sila masisi kung sa tingin nila napaka interesante ng BUHAY ko!!!
Mukha akong masaya pero sa loob, kaunti na lang bibigay na... Isang bira kung baga, tutulo na ang luha.. ewan ba. Parang pilit ang bawat galaw ko. Nakikiramdam sa sasabihin ng mga tao...
May hinihintay ako. Hindi ko lang alam kung ano... sobrang tagal na, kaya atat na talaga, tulo laway pa kung sa eksaherado. Mamakat mo, sa sobrang pagnanais ko, kabaliwan ko na ang bawat panahon kinakain nito...
Nasasaktan ako. Pero hindi na para sabihin ko pa sa kanila. Sino ba ako sa buhay nila para intindihin pa?
Kahit man lang maramdaman nila ang hinagpis ko, panalo na...

Subscribe to:
Posts (Atom)