Maikwento ko lang…
Gabi ng huwebes, matapos mamili sa tiangge, lumamon ng sisig na puro taba at lumaklak ng pop cola, matahimik akong umuwi sa aking tinitirhan. Mainit, nakakapaso at nakakabugnot ang itsura nito. Dagli kong binuhay ang bentilador at naghintay ng sandali bago tuluyang isinara ang pinto. Iwinasiwas ang sapatos at medyas, naghubad, at nagmamadaling isinukat ang mga mahalay na damit pambaba na aking nakulimbat. Umikot-ikot at hindi mapakali sa nakikita sa salaming bagong bili. Pwede! Pwede na rin… pwede nang pagtyagaan ang mga mumurahing kasuotan na ni sa hinagap ko noon ay hindi kailan man mabibili at magkakasya sa kin.
Siyempre, dahil hindi normal ang araw na iyon dahil maaga akong napirme sa aking silid, minabuti ko nang magayos ng sarili at nagbasa ng nobela.
Matapos basahin ang ilang pahina, nakaramdam ako ng matinding emosyon, at ayun, hindi ko na napigilang mapahikbi at maiyak. Punyeta, sobrang lungkot ko pala….
Tinext ko ang aking ina at mga kapatid, sobrang namiss ko sila. Sumagot ang una, nagtanong akong muli. Gustung-gusto ko silang tawagan, ngunit sigurado magaalala lang siya dahil hikbi at hagulgol lang ang maririnig nya…
Kagaya ng dati, saglit lang ang aming sagutan. Kaya upang mailabas ko ang aking nararamandaman, sinubukan kong magkwento sa lola. Yun lang, parang himbing na ata sa pagkakahiga, kaya minarapat ko nalang umatungal magisa. Kahit sa paraan man lang na iyon mabawasan ang sakit na aking dinadala…
Blanko…
Ng magkaroon ako ng ulirat, umaga na. Parang normal naman ang umagang yon, tiningnan ang telepono kung may mensahe at kung anong oras na, at yun, nabasa ang sagot ng lola na nagtatanong kung bakit – tumutukoy sa tanong ko kung gising pa sya.
Minabuti kong maghanda sa pagpasok. Kakaiba. Hindi ako nagpatugtog habang naliligo, ni hindi ako uminom ng isang basong tubig pagkagising. At laung-lalo na, naligo akong may underwear… hay, sabog.
Ang mga sumunod na oras ay ginugol ko sa pagaayos ng aking buhok. Pagkatapos ay nagbasa muli ng nobela habang naguubos ng petsa. Isa na itong normal na Gawain na sana makasanayan na.
Himatlugin akong naglakad papasok sa opisina. Nag-IN ant umakyat sa hagdanan. Kinuha ang susi at binuksan ang pinto ng kahon. At yun, bumalik muli ang lungkot na sana ay naibaon nalang sa limot.
Dinalaw ko ang aking ate sa kanyang kinalalagyan at napansin ko agad ang mugto niyang mga mata. Hay, sabay na naman ang MOMENT ng mga mahadera…
Bumalik ako sa aking opisina kasama siya at doon nagkwento siya sa kanyang drama. Nangilid ang luha ko. At sa pagkakataong ito, nagdesisyon akong sabihin na sa aking ina.
Tinext ko muli siya, at sa pagkakataong ito sinabi ko na ang aking nararamdaman. May pagaalala sa kanyang mga mensahe, isang realidad na nagpasikip sa aking dibdib, ilang saglit lang at tumutulo na ang aking luha…
Ilang saglit lang ay gumagawa na naman ako ng mga desisyon hindi pinagiisipan.. Ilang saglit lang ay wala na.. wala na muli ang luha, kaya bumalik na ako sa aking opisina. Nang biglang tumunog muli ang aking telepono. Isang mensahe mula sa aking ina nagpangilid muli sa aking luha. Dagli akong lumabas at umatungal.
Tinext ko muli ang lola na nasa balkonahe lamang ako at nageemo. Ilang Segundo at andyan na sya. Naguusisa. Maya-maya pati siya naluluha.
Hay… ilang minuto at tapos na… ayos na ang plano… kaya balik na muli sa trabaho…
Yun lang… maikwento ko lang….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment