Wednesday, February 3, 2010

Unang Banat!

Wala akong ginawa pero parang pagod na pagod ako!

Halos maghapon lang akong nakaupo at inuurirat ang mga lumang dokumento na ginagawang bago.

Halos maghapon akong nakikipagbangayan. Halos maghapon akong minamatyagan ng mga mapanuring mga mata.

Hindi ko sila masisi kung sa tingin nila napaka interesante ng BUHAY ko!!!

Mukha akong masaya pero sa loob, kaunti na lang bibigay na... Isang bira kung baga, tutulo na ang luha.. ewan ba. Parang pilit ang bawat galaw ko. Nakikiramdam sa sasabihin ng mga tao...

May hinihintay ako. Hindi ko lang alam kung ano... sobrang tagal na, kaya atat na talaga, tulo laway pa kung sa eksaherado. Mamakat mo, sa sobrang pagnanais ko, kabaliwan ko na ang bawat panahon kinakain nito...

Nasasaktan ako. Pero hindi na para sabihin ko pa sa kanila. Sino ba ako sa buhay nila para intindihin pa?

Kahit man lang maramdaman nila ang hinagpis ko, panalo na...

No comments:

Post a Comment