Ito ang unang pagkakataon na gustung-gusto kong magsulat at ilabas ang nasasaloob ko ngunit tila wala akong maisip na konsepto... sabog na ang aking emosyon: tumutulo ang luha,sumisikip ang dibdib at parang gusto nang humiyaw. Nararamdaman kong gustung humiwalay ng aking diwa sa aking katawan upang sa gayon ay malimutan ang sakit na nararamdaman.
Oo, bagong gising ako. Ni hindi pa nakakapaghilamos. Puno pa ng muta ang mata ko. Kumakalam ang sikmura. Humihikbi sa katanghaliang tapat. Pawisan. At higit sa lahat, nangungunti ako…
Nagsisisi sa mga istoryang ibinulalas ko! Nagsisisi at nagsabi ng totoo… Nagsisisi at nagpakatotoo ako… Di sana patay malisya ako sa nararamdaman ko. Di sana wala silang malay sa pighati ko… Di sana palihim lang akong nasasaktan ng dahil SAYO…
Ngayon, masisisi mo ba ako kung kasinungalingan ang pagsang-ayon ko SAYO? Masisisi mo ba ako at lagi kong bukang-bibig ang pagiging MAKASARILI MO? Masisisi mo ba ako at hindi ko kayang maging MASAYA katulad MO, datapwat sinabi kong SUSUBUKAN KO?
Ngayon, tapatin MO ako, anu ba talaga ang nais mong mamutawi sa bibig ko? Ano ba ang nais mong mga salitang bitawan ko? TAPATAN na tayo, pagod na pagod na KO at alam kong yamot na yamot KA na rin naman sa sitwasyong ito!
Malugod kong tinanggap ang pagkakaibigang isinukli mo, sana lang ay wagas ito gaya ng ibinigay ko. Masakit!
OO, UNA ka sa buhay ko!
Sana maintidihan mo, pangunawa ang kailangan ko… MALAKING PANGUNAWA SA ASPETONG ITO….
Ilan buwan pa ba ang bibilangin natin? Linggo o araw na lang ba kung susumahin? Hindi dahil may aalis at magkakaron ng espasyo, kundi dahil pipiliing LUMAYO at TAKASAN ito…
Sana maunawaan mo, DALAWA pagkatao ko… Paano ang KAIBIGANG iiwan mo??!
Sa pagkakataong ito, aasahan ko ang SAGOT MO. Alam ko na idadahilan mong hindi ka ganito. Ayaw mo ng seryoso. Ngunit hanggang kailangan?
Lagi mong tatandaan na sa likod ng magandang ngiti ng PAYASO ay pagdurusa at pagbabalat-kayo!
ALKOHOL! Asan ka ngayong nauuhaw ako sa’yo? Asan ka ngayong gusto kong lunurin ang sarili ko? Asan ka kung kelan wala sino man sa tabi ko?
Buti na lang at iwinawaksi ng sistema MO ang likidong ito! Dahil kung hindi, mas mahirap kong matatanggap ang kabiguan kung kasama kita sa AMATS ko…
No comments:
Post a Comment