BRO is girlet’s first sibling sa hubby ng mudraks nya. She was 13 when they had him and they are pretty much excited. Kahit xa, despite the expectation na hindi. Kung sana naapreciate nila ang effort nyang umuwi from nueva ecija to spend Christmas and new year with her father’s side family. But anyway, Masaya xa dahil kahit papano, maeextend yung family nya. Kung pwede nga lang magkaroon siya ng kapatid without the stepdad why not.
Literally, brow grew up together with girlet. She usually takes care of him whenever she’s around, too make it exciting, ginagawa nyang punching bag si bro. Not to hurt him, but too teach him a lesson or two. In fact, mas takot pa kay girlet si bro kesa sa mga magulang nya. And when they had their youngest, si SISSY, ganun pa rin naman ang ugali ni girlet, but, dahil sa panahon na to may yayaniks na for sissy, hindi na maxado nagampanan ni girlet pagiging disciplinarian nya.
Too make the long story short, literal na mas close si girlet kay bro kesa kay sissy at ganun din naman si bro sa kanya. Everytime nga na umuuwi si girlet, gusto ni bro katabi xa sa pagtulog; na lagi naman kinokontra ni sissy dahil ayaw nang dalawa na kasama xa.
Nafefeel ni girlet ang fear ng mga tao nab aka magaya sa kanya si bro dahil sa closeness nila, but she thinks otherwise. Nasa upbringing yun, and besides, wala naman syang kinokwento o pinapakita kay bro na maaring gayahin nito. At kahit naman lagi silang nagbobond, normal ang kilos ni bro. If there’s one fear na meron, eto yung kay girlet na later on, marerealize ni bro kung anu sya at baka hindi nya kaya itong tanggapin.
Girlet is afraid of the day na tatanungin na sya ni Bro at hindi nya alam kung paano nya sasagutin ito.
And then the day came. The day after ng “SILYA MOMENT” with boylet.
Bro: “girlet, anu ka ba?”
Girlet: “Bro, hindi na tinatanung yun, alam na natin diba?”
Bro: “Okay, hehehe, kasi sila bakit ganun daw yung mga pictures mo sa FB”
Girlet: “naku bro hayaan mo sila, maxado silang panget at latak para maapreciate yung art at kung anu ko”
Bro: “anu naman daw kaya yun? Bahala ka na nga!”
Short but sweet. Magaan sa pakiramdam ni girlet ang usapang yun, dahil despite bro’s young age. Naiintindihan na nya xa at kung anu mang sitwasyon meron sila. Pasan ba’t alam ni Bro ang sitwasyon ni girlet at boylet. How? Pakialamero kaya ang bro, mapa text messages, posts etc sinusuri nya. Very much interested sa pinaggagawa ng kapatid na girlet. She even remember a moment kung saan sabi ni bro na sana malaki na daw sya para maaway nya yung mga taong nagpapasama ng loob ng kapatid, and that includes boylet. Sabi pa ni bro, “kung alam ko lang, nilagyan ko ng pakain sa isda yung pagkain ni boylet nung nagpunta yun dito. (sabay kutos ni girlet, eh anu effect nun? Pareho lang naman edible yun, hahaha)
Girlet believes that her bro will grow up as a very mature and fine man. Kung mapalihis man ito, at pumili ng ibang klaseng relasyon, da hell, as long as mahal sila ng pamilya nila, pakialam nila sa mga manghuhusga...
Saturday, July 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment