Minsan gustung-gusto ko nang sabihing “SORRY PO. Pasensya na kayo, ganun lng talaga siguro ako ngayon. Gusto ko lang sabihin yung nasasaloob ko.”
Pero bakit? Bakit kailangan humingi ng paumanhin sa mga bagay na natural na lumalabas sa ating mga bibig? Hindi ko itatanggi ang bawat salita sa aking akda ay may pinanggalingan, lahat may gustong patamaan, may laman. Ang tanong, “NAKALAGAY BA ANG IYONG PANGALAN?” sakaling nakanti nito ang iyong damdamin, hindi ba’t ikaw na rin naman ang may KASALAN? Bakit mo binabasa ang sulat ng iba? Minsan pa nga ay binibisita mo pa ang kani-kanilang kinalalagyan, para ano? Saang punto? Hindi ba’t para magmatyag? Para manilip at makialam? IKAW MISMO ANG GUMAGAWA NG SARILI MONG GULO!
At huwag tayong maghugas ng kamay. Huwag tayong magpanggap na ni minsan ay hindi mo ginagawa ang nagagawa ko. Huwag tayong ipokrito. Konti kahihiyan naman para sa sarili mo.
Nasasaktan ka? Bakit sa tingin mo hindi ka nakakasakit? Tangna! PANGINOON KA?
Huwag tayong umasta na wala tayong nasasaktan sa ating mga ginagawa. Eh paano yung mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sa atin? Hindi bat ang alam nila ay mas malamang galing din sa atin? At ang reaksyon nila ay dahil din sa atin? Suma tutal, tayo pa rin ang punot dulo nito. Kung anuman ang kahinatnan nito, sa atin parin ang bunton ng sisi nito.
Nanahimik ako. Nanahimik ka. Nanahimik sila. Sa paanong estado? Sa paanong paraan? Sa pagsusulat lang ba ng artikulo sa isang pahina? E paano yung mga reaksyon natin at ng mga taong nakapalig sa atin? Paano naman ang mga kuwentong ginagawa natin para makakuha ng simpatya ng iba? Ang mga tsismis at paguusap na ginagawa natin? Ang walang kamali-malisyang reaksyon sa mga bagay bagay?
At, paano ka magkakaron ng katahimikan kung palagi nating iisipin na tayo ang paksa ng iba?
Kasalan ko parin ba kung hindi matamik ang imahinasyon mo? Hindi kaya naman may sira na ang tuktok mo?
At, huwag nating ibintang sa iba ang mga ginagawa natin sa kanila. Magkakaiba tayo. Maaring tsismoso at mapaggawa ako ng kwento at ikaw naman ay mabait, maunawin at mahaba ang pasensya. At sila, wala lang, mahilig lang talaga makisawsaw sa akung anu bang uso at napapanahon. May perpekto at mayroon din naming puro kamalian lang ang nagagawa GAYA KO!
Bakit hindi muna tayo tumingin sa salamin, alalahanin ang bawat petsang lumipas at mga kabuktutan nating ginawa. Isama na rin natin ang mga natural nating reaksyon o paguugali at tingin natin kung hindi tayo nakakasakit at nakakaapak ng iba.
At tingnan din natin ang ating sarili kung tayo ba ay Malaya sa sulsol at impluwensya ng iba. Tingnan natin kung hindi ba tayo ay masyado nang eksaherado...
Wednesday, July 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment